Mahigit sa 3,000 college students mula sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng cash for work incentive mula sa Tara, Basa! Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development.
Sa ginanap na cash payout sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV), umabot sa 500 college students ang tumanggap ng cash-for-work (CFW).
Nasa 2,857 tutors at Youth Development Workers mula sa mga lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Marikina, San Juan, Pasay, Navotas, at Quezon City ang nabigyan din ng cash-for-work incentive.
Bawat isa mula sa 2nd hanggang 4th year collegiate levels ang tumanggap ng P12,480, para sa kabuuang 20 reading o Nanay-Tatay teacher sessions.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ang Tara, Basa! Tutoring Program ng DSWD ay naglalayong turuan magbasa ang mga batang nasa grade 1 na hirap at hindi marunong bumasa, sa pamamagitan ng mga pagtuturo na ibinibigay ng college students na nagsisilbing tutor at YDWs. | ulat ni Rey Ferrer