Higit 400 indibdiwal, inilikas dahil sa banta ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 133 na pamilya o nasa 400 indibidwal na inilikas dahil sa tumataas na aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros.

Ang mga inilikas ay mula sa ikinasang preemptive evacuation sa Canlaon City.

Dinala naman ang mga apektadong residente sa limang nakabukas na evacuation center sa lalawigan.

Kaugnay nito, ininspeksyon na rin ng DSWD Western Visayas ang Panaad Stadium sa Bacolod City, Negros Occidental na posible ring buksan sa oras na ikasa na ang Kanlaon response operations.

Dito, tinitignan na ilikas ang mga residente mula sa La Castellana, La Carlota, Bago City, San Carlos City, at Moises Padilla.

Sa kabuuan, may higit ₱147-milyong halaga ng assistance na nakahanda ang DSWD na pantugon sakaling lumala ang lagay ng bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us