Nagbigay ng update si education Secretary Sonny Angara tungkol sa mga laptop, classroom furnitures, at mga textbooks na naimbak lang sa mga warehouse.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Angara na 50 percent na ng mga maliliit na item ang naalis na sa mga warehouse habang 10 percent pa lang ng malalaking item, gaya ng mga classroom furniture, ang naaalis.
Sinabi rin ng kalihim na mula nang maisapubliko ang isyu na ito ay nakakuha na rin sila ng alok na tulong mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan para tulungan sila sa problemang ito.
Matatandaang sa budget hearing sa Kamara noong nakaraang linggo ay naisiwalat ang nasa 1.5 million units ng education items ang natengga sa mga warehouse at hindi pa naide-deliver mula pa noong 2020.
Pinaliwanag ni Angara na resulta ito ng procurement program na pinatupad noong panahon ni dating education Secretary Leonor Briones kung saan magkaiba ang kinukuhang logistics provider sa supplier ng mga gamit.
Regulasyon n a hindi na aniya pinapatupad ng ahensya ngayon.
Bukod sa mga LGU, humungi na rin ng tulong ang ahensya sa Philippine Air Frce, iba’t ibang ahensya ng gobyerno at maging sa pribadong sektor para maalis ang mga nakaimbak na item.| ulat ni Nimfa Asuncion