Kabuuang 5,454 sako ng Agricultural Grade Salt Fertilizer ang ipapamamahagi at gagamitin sa mga pananim na niyog sa Ilocos Region at Region 2, at CAR.
Ayon kay Paul Adrian Batas, agriculturist mula PCA Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region, ito ay supplemental target para sa Coconut Fertilization Project ngayong 2024 upang matulungan ang mga lokal na mag-aasin sa Dasol, Pangasinan na isusuplay sa mga plantasyon ng niyog.
Nabatid na mayroong memorandum of agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Dasol, Pangasinan at Philippine Coconut Authority.
Target lagyan ng Agricultural Grade Salt Fertilizer ang mga sumusunod na lugar: Pangasinan at Cagayan na parehong may tig-200 ektarya ng pananim na niyog; Ilocos Norte at Isabela na parehong may tig-100 ektarya ng pananim na niyog; at Ilocos Sur na may 45 ektarya ng niyugan. | ulat ni Leslie Gemino | RP Tayug
Photo courtesy of Province of Pangasinan