Umakyat sa 6.4 million na aplikayson upang makaboto sa 2025 midterm elections ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Ladiangco, na mula sa kabuuang bilang na ito 2.6 million ay mga aplikasyon mula sa mga bagong botante.
Nasa 600,000 naman iyong mga nagpapa-reactivate, upang makaboto sa susunod na taon.
Sabi ng opisyal, sa susunod na dalawang linggo kung kailan nalalapit ang deadline para sa voters’ registration inaasahan ng COMELEC na dadami pa ang bilang na ito.
Pakiusap ng opisyal, huwag nang hintayin ang deadling sa September 30 lalo’t wala nang magaganap na pagpapalawig sa deadline para dito.
“Inaasahan nga po namin na susunod na dalawang linggo na nalalabi para sa registration ay mas dadami pa po ang mag-a-apply bilang bagong rehistradong botante at lalong-lalo na po iyong mga na-deactivate.” —Laudiangco. | ulat ni Racquel Bayan