Aabot sa 600,000 na mga senior citizen ang nasa waitlist o hindi garantisadong mabigyan ng ₱1,000 buwanang social pension mula sa DSWD.
Sa budget hearing ng Senado para sa 2025 budget ng DSWD, sinabi ni secretary Rex Gatchalian na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga senior citizen na waitlisted o hindi pa naaprubahan para mabigyan ng DSWD ng monthly social pension.
Hanggang July 2024 ay umabot sa 612,277 ang waitlisted na senior citizen.
Sa panukalang 2025 budget ng DSWD, nasa ₱5.5 billion ang nakalaan para sa mga waitlisted senior citizen pero nasa unprogrammed funds ito at kakasya lang para sa 400,000 na mga senior citizen.
Tiyak naman na aniya ang mahigit ₱49 billion na pondo para sa higit 4 million indigent senior citizen na dati nang nakalista sa DSWD.
Nilinaw naman ni Gatchalian na ang National Commission of Senior Citizen ang mangangasiwa sa pagbibigay ng social pension sa mga indigent citizens. | ulat ni Nimfa Asuncion