Higit isang milyong govt. employees, magbi-benepisyo sa CSC Modernization project ng administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 1.1 million na kawani ng pamahalaan ang inaasahang magbi-benepisyo sa P3.8 billion na CSC Modernization project, na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa taong 2025-2029.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni Civil Service Commission (CSC) Chair Karlo Nograles na sa ilalim ng proyekto, paiigtingin ng pamahalaan ang HR management system sa 226 na tanggapan ng gobyerno.

“Then, after 2029, uubusin din namin. tatapusin namin iyong ibang mga natirang agencies. So, that’s a five-year plus five-year program – after then years, the entire bureaucracy will be covered. So, but for up to 2029, it’s 1.1 million civil servants.” -Nograles

Ang ilan kasi aniya sa mga ito, luma na o hindi nakakasabay sa makabagong panahon.

Sa ilalim ng programa, mapadadali ang paggalaw o promotion ng government employees, mapupunan ang mga bakanteng posisyon, at makakahanap ang pamahalaan ng mga angkop na indibiwal para sa mga bakanteng pwesto.

Sabi ng opisyal, magbi-benepisyo rin ang publiko sa proyektong ito, lalo’t ang maayos na government process ay nangangauhulugan ng mas maayos na serbisyong publiko.

“The public will also benefit directly and indirectly because number one, again as I said, it will help us really fill up the vacancies. It will help us look for the right people. It will help us in moving people and promoting people. So, in other words, because our HR systems are more mature and more updated, then we can put the proper people in government and ultimately it’s a public who will benefit from better public service by putting in more civil servants and filling up so many vacancies in government right now.” -Nograles | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us