Hindi pa napapanahon para sa Department of Trade and Industry ang pagpapatupad ng taas presyo sa ilang pangunahing bilihin.
Ito ay sa gitna ng hirit ng ilang manufacturers na magtaas ng presyo dahil sa tumataas na presup ng raw materials at paggalaw sa palitan ng dolyar.
Nasa 60 Stock Keeping Units o produkto ang humihirit ng taas presyo tulad ng tinapay, canned goods, noodles at detergent.
Ayon kay DTI Sec. Ma. Cristina A. Roque, masusi nilang pinagaaralan ang anumang apela ng srp adjustment dahil kailangan ding ikonsidera dito ang magiging epekto nito sa mga consumer.
Sa ngayon, tuloy tuloy aniya ang pakikipag-usap ng DTI sa mga manufacturer at gayundin ang pagsasagawa ng mga consultation para matimbang ang tamang pasya sa presyo ng prime commodities.
Sa pagiikot naman ng DTI sa Farmers Market at isang Grocery Store sa Cubao, Quezon City, wala itong nakitang anumang violation sa mga nagtitinda na sumusunod naman sa nakatakdang SRP.