Nagpahayag ng suporta ang chairman ng House appropriations committee na si Rep. Zaldy Co para sa panukalang P82.4 billion budget ng hudikatura para sa 2025.
Aniya, inaasahang matutugunan nito ang pagkaantala sa mga kaso at court congestion na banta sa pagiging epektibo ng ating justice system.
Kinilala ni Co ang estratehikong plano ng hudikatura para sa mga pagbabagong panghukuman bilang isang mahalagang hakbang patungo sa paglutas ng mga isyung ito.
Kabilang dito paglikha ng Supreme Court management committee, pag digitize sa judiciary libraries, at pagpapatibay ng mga bagong regulasyon.
Naniniwala si Co na susuportahan ng iminungkahing budget ang mga hakbangin na ito at iba pang mga reporma na naglalayong mapabuti ang pamumuno, pagtataguyod mg gender-fair language, at pagkilala sa dignidad ng mga indibidwal sa loob mismo ng hudikatura.
Hinimok naman ni Co ang kanyang mga kapwa mambabatas na aprubahan ang budget para mas mabilis ang pagkamit ng hustisya para sa lahat ng Pilipino. | ulat ni Kathleen Forbes