House Leader sa DBM: Ibalik ang earmarked funds ng ilang ahensya ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapila si House Majority Leader Marcelino Libanan sa Department of Budget and Management (DBM) na i-release ang pondo na naka earmarked sa ilang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Libanan, mahalaga na magamit ang earmarked revenues na nakalaan sa government agencies upang makamit ang mga layunin nito.

Kabilang dito ang P140 million para sa Department of Migrant Workers (DMW) na mula sa nakolektang verification fees na gagamitin sa pagtatayo ng Migrant offices sa Warsaw, Oslo, Ankara, Berne, Abuja af Pretoria.

Gayundin ang P86.320 million para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa exploration activities upang matukoy ang mineral reserves ng bansa.

Hiniling din nito sa DBM na ibalik ang panukalang P6.5 billion mula sa Spectrum Users Fees (SUF) para sa free Wi-Fi at simulan ang SIM CARD para sa bayan, na binanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA). | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us