Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang pasasalamat sa Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) at MVP Group of Companies sa kanilang pagtutulungan upang masuportahan ang mga sundalo.
Pinangunahan mismo ni Speaker Romualdez ang paglagda sa Manifesto of Partnership ng CSFI at MVP Group para sa pagtatatag ng specialized facilities gaya ng Bagong Bayaning Mandirigma Casualty and Cancer Care Center (BBM-CCCC) sa AFP Medical Center.
Nitong September 11 ay pormal nang nai-turnover ng CSFI ang tulong pinansyal para sa paunang pondo para sa pagpapatayo nito.
“On behalf of the entire Armed Forces of the Philippines and the Filipino people, I extend my deepest gratitude to the CSFI and the M-V-P Group of Companies. Your efforts today reflect a spirit of generosity and unity that we hope will inspire other sectors of society to step forward in support of our nation’s most noble causes,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ang turnover para sa Phase 1 ng proyekto kabilang ang Casualty and Wound Care Center, ay inaasahang matatapos Nobyembre ngayong taon, habang ang Phase 2 naman kung saan kasama ang Cancer Care Center at makukumpleto sa April 2025.
Pinasalamatan naman ni Romualdez si Pangulinan sa kaniyang kabutihang loob sa patuloy na pagtulong sa mga Pilipino.
“Through this initiative, we reaffirm our commitment to ensuring that our soldiers, who bear the burden of defending our sovereignty, receive the care and attention they need. It promises not only to address their immediate medical concerns but also to provide long-term support. This will give them and their families the peace of mind that their health needs will be met, especially in times of critical need,” sabi ng House leader.
Kabilang sa mga lumagda at sumaksi sa kasunduan ay sina Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) President Rose Marie Arenas, Chairperson Yedda Marie Romualdez, MVP Group of Companies Chairman Manuel Pangilinan, AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., at Makati Medical Center Foundation President Dr. Victor Gisbert. | ulat ni Kathleen Jean Forbes