May 200 modified shelter units ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa mga dating rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Sibuco, Zamboanga Del Norte.
Kasabay nito, pinangunahan din ng OPAPRU at DSWD ang groundbreaking ceremony ng karagdagan pang 75 housing units sa Sibuco housing project.
Ilalaan anila ito sa iba pang residente sa Zamboanga del Norte na apektado ng armed conflicts.
Paliwanag ng NHA, ang modified shelter units ay ginawa sa ilalim ng Payapa at Mapayapang Pamayanan’s (PAMANA) Modified Shelter Assistance Program (MSAP).
Isang joint program ng OPAPRU at DSWD sa pakikipag tulungan ng mga lokal na pamahalaan.| ulat ni Rey Ferrer