Marami pa rin ang humahabol sa huling araw ng Voter’s Registration para sa 2025 Midterm Elections.
Sa Quezon City, maagang dinagsa ang Barangay Hall ng Batasan Hills na isa sa mga itinalagang COMELEC satellite registrarion site para sa mga boboto sa District 2.
Bukod sa mga first time voter, marami sa mga pumipila rito ang nagpapareactivate dahil matagal na hindi nakaboto at transfer ng registration records.
Kabilang dito si Mang Eriberto na umabsent na sa trabaho ngayon para makapag-asikaso sa COMELEC.
Magkasama naman ang magkapitbahay na sina Nanay Angeline at Lenlen para makahabol sa registration at makaboto sa susunod na eleksyon.
Mabilis naman ang usad ng pila at mayroon din namang priority lane para sa mga senior citizens, PWDs, at buntis.
Hinihikayat lamang ang mga magpaparehistro na i-print na ang Voter’s Registration Form at kumpletuhin ang iba pang requirements upang mapabilis ang proseso.
Una nang sinabi rin ng COMELEC na wala nang extension sa September 30 deadline para sa Voter’s Registration. | ulat ni Merry Ann Bastasa