Nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang “Dugtong Buhay Movement: Bloodletting Activity” ng Department of Budget and Management (DBM) sa PhilSports Complex, Pasig City.
Kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng Philippine Coast Guard at Philippine Sports Commission, mahigit 300 kawani at opisyal ng pamahalaan, at ilang volunteers ang nag-donate ng kanilang dugo sa nasabing aktibidad.
Binigyang-diin ng mga organizer at partner-agency ang kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo upang makatulong sa pagliligtas ng buhay ng mga kababayan nating nangangailangan.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang bloodletting activity ay simula lamang ng mas marami pang programa na ilulunsad ng DBM upang matugunan ang pangangailangan ng Philippine Red Cross na tinatayang aabot sa isang milyong blood units kada taon. | ulat ni Diane Lear