Iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, inatasan ng Pangulo na paghandaan ang posibleng pagbaha pa lalo na sa mga lugar na malapit sa mga dam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na paghandaan ang posibilidad na pagbaha lalo na sa mga lugar na malapit sa mga dam, tulad ng La Mesa Dam, Ipo, at Magat.

Sabi ng Pangulo, ang mga komunidad na malapit sa mga dam na ito ay dapat manatiling alerto at sumunod sa mga safety advisory.

“As we continue to monitor the aftermath of ๐—ฆ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ง๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—บ ๐—˜๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ด, I have directed our agencies to prepare for potential flooding, particularly in areas near ๐˜๐˜ฑ๐˜ฐ, ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ต and ๐˜“๐˜ข ๐˜”๐˜ฆ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ข๐˜ฎ๐˜ด. Communities in these areas should remain alert and follow all safety advisories.” -Pangulong Marcos.

Kasabay nito, dapat rin aniyang tutukan ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng sakit, tulad ng leptospirosis, maging ang paghahanda sa mga kakailanganing medical supply para sa agrang deployment.

“At the same time, we are working to prevent health risks such as leptospirosis and preparing medical supplies for immediate deployment.” -Pangulong Marcos Jr.

Kaugnay nito, ipinag-utos rin ng Pangulo ang mahigpit na pagbabantay sa panahon lalo’t mayroon aniyang panibagong bagyo na nagbabantang mabuo.

“I have also asked our agencies to closely monitor the weather as we are seeing the possibility of another storm forming. We must be prepared to act quickly and efficiently if further threats arise. Letโ€™s remain vigilant and proactive in ensuring the safety and well-being of our fellow Filipinos.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us