Hindi pa nabibigyan ang Integrated Bar of the Philippines ng kopya ng disbarment case na isinampa ni Atty. Melvin Matibag laban kay dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque.
Ayon kay Atty. Antonio Pido, National President ng IBP, sa mga media organization nya lamang narinig na may isinampang disbarment case laban kay Roque.
Karinawan umanong binibigyan ng Supreme Court ng kopya ng disbarment complaint ang IBP at nagsasagawa sila ng sarili nilang imbestigasyon.
Sa kaso ni Roque, kahapon pa lamang inihain ni Matibag sa Korte Suprema ang disbarment case.
Nais ni Matibag, matanggalan ng lisensya si Roque bilang abogado dahil sa pagpost niya sa social media ng mga unverified information tungkol sa pag-uugnay niya kay Pang. Bongbong Marcos Jr sa white substance issue.