Ikalawang batch ng OFWs na nag-avail ng Amnesty Program sa UAE, dumating na sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na sa Pilipinas ang ikalawang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) na nag-avail ng nagpapatuloy na Amnesty Program ng United Arab Emirates (UAE).

Lumapag ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 17 OFWs kasama ang tatlong bata mula sa Dubai, at 25 OFWs mula naman sa Abu Dhabi.

Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pamamahagi ng tulong pinansyal mula sa ahensya.

Tiniyak din ng DMW ang iba pang tulong ng pamahalaan sa nasabing OFWs.

Sa kabuuan, umabot na sa 103 OFWs at limang bata ang nakauwi sa bansa sa ilalim ng UAE Amnesty Program.

Matatandaang sinimulan na ipatupad ng pamahalaan ng UAE nitong September 1 hanggang October 31 ang naturang amnesty program, para mabigyan ng clemency ang mga OFW na lumabag sa batas sa naturang bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us