Tatlo pang local government units sa Northern Luzon ang naghayag ng interes na magtayo ng housing projects sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pormal nang lumagda sa kasunduan sina DHSUD Undersecretary Gary De Guzman,ang 4PH Project Management Office Head, Delfin Albano ,Isabela Mayor Arnold Edward Co,Rizal Cagayan Mayor Joel Ruma at Vice Mayor Brenda Ruma at Conner,Apayao Mayor Jorico Bayaua.
Ang 4PH Program ay flagship housing project ng gobyerno na magbibigay ng abot-kayang bahay at mababang buwanang hulog.
Ang mga benepisyaryo nito ay mga manggagawang Pilipino na miyembro ng PAG-IBIG Fund.
Tiniyak ni Usec. De Guzman sa mga LGU na magbibigay ng kinakailangang assistance ang ahensya para matiyak ang maayos na implementasyon ng mga proposed housing projects sa mga munisipalidad. | ulat ni Rey Ferrer