Ilan sa maraming nabiyayaan ng libreng bayarin sa hospital bill na nagpapagamot sa Level 3 public hospital, nagpa-abot ng pasasalamat kay PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam ang emosyonal at taos-pusong pasasalamat ng ilang mga pasyente at mga kaanak nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kaugnay ito ng naging pa-birthday ng Pangulo nitong nakaraang Biyernes na kung saan, sinagot ng Pangulo ang bayarin ng mga pasyente sa lahat ng Level 3 public hospital sa bansa.

Sa Facebook page ni First Lady Liza Marcos, sinabi nitong sa loob ng 35 taong kanyang pagkakilala kay Pangulong Marcos ay hindi ito pumapalya na gumawa ng natatanging kabutihan sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan.

Ayon sa Unang Ginang, kailanman ay hindi nagmintis ang Pangulo para palampasin ang pagkakataong iparamdam ang kanyang kabaitan sa mga nangangailangan.

Ito naman ay pinatotohanan ng mga nabiyayaan ng naging anunsiyo ng Pangulo nitong nakaraang Biyernes na labis ang pasasalamat sa Pangulo.

Ikinabigla aniya nila ang naturang balita na ang pagtuturing pa ng iba ay isang milagro lalo’t sa gitna ng alalahanin kung saan kukuha ng pambayad sa pagpapagamot, ay naglaho itong parang isang bula at napalitan ng kagalakan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us