Ilang bahagi ng Mandaluyong City, nakaranas ng pagbaha matapos ang malakas na buhos ng ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagmistulang lawa ang ilang bahagi ng Mandaluyong City ngayong umaga matapos ang malakas na buhos ng ulan sa nakalipas na magdamag.

Batay sa impormasyon mula Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kalahati hanggang sa mahigit isang talampakang taas ng baha ang kanilang naitala.

Dahilan upang itaas sa Code A at Code B ang kanilang flood monitoring batay sa kanilang sinusunod na sistema.

Ibig sabihin, kapag Code A ay nangangahulugang hanggang kalahating talampakan ang taas ng baha habang ang Code B naman ay nasa isa’t kalahating talampakan ang taas ng baha.

Naitala ang pinakamataas na pagbaha sa Maysilo Circle na hindi nadaanan ng mga light vehicle kaninang madaling araw.

Kaya naman nag-alinlangan ang mga daraan sanang motorista sa bahaging ito ng lungsod dahil sa mataas na baha.

Samantala, binaha rin ang nasa siyam na kalye sa Brgy. Old Zaniga, habang apat naman sa Brgy. Plainview.

Nagresulta naman ito sa pagkalat ng mga basura habang may ilang mga pasahero ang nahirapan sa paghahanap ng kanilang masasakyan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us