Simula bukas, pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang bahagi ng North Luzon Expressway(NLEX).
Sa abiso ng NLEX Corporation, ang pagsasara sa apektadong lugar ay para bigyang daan ang gantry installation works.
Unang gagawin ang installation works bago ang NLEX Tabang Exit Ramp. Isasara dito ang may 100 metro ng Balagtas Northbound.
Pasisimulan ang closure sa left most lane bukas ng alas 9 ng umaga,Setyembre 23 hanggang alas 5 ng hapon hanggang matapos sa Setyembre 27 ng hapon.
Sa Setyembre 24 hanggang 27, tuwing alas 8 ng gabi hanggang alas 5 ng madaling araw isasagawa naman ang gantry installation sa Mapulang Lupa Southbound Area bago ang NLEX Harbor Link Interchange.
Sa umaga pa lang ng Setyembre 24, alas 9:00 hanggang alas 5 ng hapon, isasara din ang bahagi ng NLEX Torres Bugallon Bridge sa Valenzuela Northbound Area bago ang NLEX North Harbor Interchange.
Tatagal din ang installation works hanggang Setyembre 27 ng hapon.| ulat ni Rey Ferrer