Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa bagyong Gener.
Sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Alicia, Isabela.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55km/h malapit sa gitna at pagbugsong 70km/h.
Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 ang:
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, northern at central portion ng Bataan (Dinalupihan, Orani, Hermosa), Aurora, northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands, northern portions ng Rizal (Rodriguez, San Mateo), at northern portion ng Metro Manila (Quezon City, Caloocan City, City of Valenzuela, City of Malabon, City of Navotas, City of Marikina, City of Manila, City of San Juan, City of Mandaluyong).
Una nang nag-landfall ang bagyong Gener sa bahagi ng Palanan, Isabela bandang alas-11 kagabi.
Inaasahan namang lalabas sa mga baybaying dagat ng Ilocos Sur o La Union ang bagyo ngayong araw.
Kikilos ito pakanluran sa West Philippine Sea hanggang Huwebes pero lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi o bukas ng umaga.
Bukod naman sa bagyong Gener, nakakaapekto rin sa bansa ang hanging habagat na magdadala ng malalakas na ulan sa Batanes, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao. | ulat ni Merry Ann Bastasa