Ilang kalsada sa Caloocan City ang isinara na kagabi para bigyang daan ang isang aktibidad ngayong umaga bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng turismo sa lungsod.
Sa Traffic Advisory, hindi muna padadaanan sa mga motorista ang 4th Street, 10th Avenue patungong Rizal Avenue at ang 10th Avenue D. Aquino St. patungong Rizal Avenue.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan, gaganapin ngayong araw ng linggo ang “Arangkada Caloocan.”
Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin muna ang mga itinalagang alternatibong ruta sa lugar.
Tiniyak naman ang kahandaan ng mga tauhan ng Public Safety and Traffic Management Department para umalalay sa mga motorista.
Muling bubuksan ang mga isinarang kalsada mamayang alas dies ng gabi, pagkatapos ng aktibidad.| ulat ni Rey Ferrer