Ilang lugar sa Antipolo at Cainta, Rizal, nakararanas ng power service interruption dahil sa bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakararanas ng emergency outages o pagkawala ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Antipolo at Cainta, Rizal ngayong hapon.

Sa abiso ng Manila Electric Company (Meralco), ito ay dahil sa emergency line trouble na naitala kaninang pasado alas-9 ng umaga dahil sa bagyong Enteng.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Dela Paz, Mambugan, at Muntindilaw sa Antipolo.

Habang apektado rin ang Barangay San Juan sa Cainta.

Samantala, tiniyak ng Meralco sa publiko ang kahandaan ng kumpanya na rumesponde sa mga maaaring maging problema sa serbisyo ng kuryente dala ng Bagyong Enteng.

Ayon kay Meralco Vice President Joe R. Zaldarriaga patuloy ang pagmo-monitor ng Meralco sa epekto ng bagyo at nakahanda ang kanilang mga crew na rumesponde 24/7 sa mga emergency at mag-ayos ng mga pasilidad na maaapektuhan ng bagyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us