Ilang lugar sa Malabon City lubog pa sa baha, pero passable na sa mga sasakyan – LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatili pang lubog sa tubig baha ang ilang lugar sa Lungsod ng Malabon dulot ng walang tigil na mga pag-ulan.

Gayunman, madadaanan naman ng lahat ng uri ng sasakyan ang mga lugar na ito.

Kabilang sa mga lugar na may tubig baha pa ang bahagi ng Barangay Panghulo, bahagi ng MH Del Pilar sa Santulan, Rodriguez Arkong Bato, C.Arellano Camus sa San Agustin, Rizal Ave. sa harap ng  St. James, Rizal Ave. Extension, at sa Gov. Pascual Ma. Clara sa Barangay Acacia.

May tubig baha pa din sa C. Arellano sa Barangay Ibaba, Maysilo M.H.Del Pilar/San Vicente sa Maysilo,M. Sioson sa Dampalit, Gabriel One sa Hulong Duhat, Naval Women’s Club, at sa Don Basilo Womens St.

Samantala, humupa na ang baha sa Sitio 6 sa Barangay Catmon, P.Aquino sa Barangay Tonsuya.

Hanggang alas dos ng hapon, nasa 11.50 meters ang lebel ng tubig sa Tullahan River bago maabot ang 13.5 meters na spilling level. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us