Hindi bababa sa 31 residente ng Parasan sa Daram, Samar ang nagkasakit matapos kumain ng red tide-infected shellfish ayon sa Department of Health (DOH).
Kabilang ang 8 bata sa mga residenteng nakaranas ng mga sintomas gaya ng pananakit ng ulo, pamamanhid ng katawan, pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan dulot ng kinain nilang tahong na inani mula sa baybayin ng Zumarraga, Samar na nag-positibo naman sa red tide.
Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang shellfish ban sa mga baybaying dagat ng Daram Island; baybaying tubig ng Zumarraga Island; Cambatutay Bay sa bayan ng Tarangnan; Irong-Irong Bay sa Catbalogan; at Maqueda Bay sa mga bayan ng Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao at Hinabangan.
Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na maging maingat sa pagkonsumo ng shellfish mula sa mga naturang lugar. | ulat ni Jollie Mar Acuyong