Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakataas na ang “Red Alert” status sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson, Director Edgar Posadas, ito’y bunsod ng paglakas ng bagyong Julian batay sa pinakahuling ulat mula sa PAGASA.
Kabilang dito ani Posadas ang mga Rehiyon ng Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region.
Nangangahulugan ito na kinakailangan ang 100 porsyentong deployment ng mga tauhan sa mga nabanggit na rehiyon para tumugon sa kalamidad.
Gayunman, nananatiling naka-Blue Alert status ang NDRRMC Operations Center sa Kampo Aguinaldo gayundin ang Office of Civil Defense (OCD) Regional Office sa Ilocos. | ulat ni Jaymark Dagala