Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Hulyo.
Ayon sa PSA, naitala sa 1.87-milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of August 1, 2024.
Mas mababa ito ng 14.2% mula noong nakaraang buwan na may 2.18-milyong metriko toneladang imbentaryo.
Gayunman, katumbas ito ng 14.4% na pagtaas kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong 2023.
Tumaas din ng 195.9% ang National Food Authority (NFA) depositories habang 23.3% naman ang iniangat ng commercial stocks ng bigas kumpara noong nakaraang taon.
Sa kabuuang rice stock, 62.4% ang mula sa commercial sector, 29.6% sa households, habang 8.1% sa NFA depositories. | ulat ni Merry Ann Bastasa