Impeachment kay VP Sara, kulang na sa panahon — Sec. Larry Gadon 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malabo nang umusad ang anumang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio. 

Ito ang opinyon ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa binabalak na impeachment ng grupong Makabayan Bloc sa Kamara laban sa Bise Presidente. 

Sinabi ni Gadon, kakapusin sa panahon ang Kongreso sa pagtalakay sa anumang magiging reklamo para patalsikin ang Pangalawang Pangulo. 

Ngayong araw ang huling session ng Kongreso dahil magsisimula na uli ang kanilang recess at babalik sa buwan ng Nobyembre kung saan magiging abala naman sila sa pagtalakay sa panukalang Pambansang Budget. 

Pagdating naman, ani Gadon, ng Enero ay magsisimula na ang campaign period para sa senador at party-list habang sa Marso ay simula na ng kampanya para sa mga lokal na posisyon. 

Kung kaya’t imposible na umanong umusad ang anumang magiging reklamo laban kay VP Sara hanggang sa susunod na taon.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us