Ibinunyag ng Ecowaste Coalition ang patuloy na pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga imported na pintura na may mataas na lead content.
Ito ay sa kabila ng matagal nang ipinatupad na ban ng bansa sa mga lead-containing paints.
Ayon sa environmental group, may limang variant ng tatak ng pintura na “Made in China” ang kontaminado ng lead na lampas sa limitasyon ng regulasyon na 90 Parts Per Million (PPM).
Sa isinagawang test buys kamakailan, nakakuha ang grupo ng pitong kulay ng Top Standard Spray Paint sa sangay ng isang chain store sa Pulilan, Bulacan Province.
Bagama’t may markang “Made in China”, walang ibinigay na impormasyon kung sino ang manufacturer at distributor ng produkto. | ulat ni Rey Ferrer