Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang kauna-unahang in-person classes para sa Persons Deprived of Liberty sa Manila City Jail na inisyatiba ng Polytechnic University of the Philippines Open University (PUPOU).
Sa kanilang pahayag, nanatiling determinado ang CHR sa pagpapatibay na ang edukasyon ay pangunahing karapatan ng lahat, kabilang ang mga PDL at ang mga sumasalungat sa batas.
Anila, ang tunay na rehabilitasyon at reporma ay makakamit lamang kung itinataguyod ng lipunan ang principles of justice, fairness, at human dignity para sa lahat, lalo na sa mga PDL.
Kinikilala nito ang pagtutulungan ng PUPOU at Manila City Jail na magbigay ng libreng tertiary education sa mga PDL.
Umaasa pa ang CHR na sana ay marami pang universities, higher education institutions, at correctional facilities sa buong bansa ang gumaya sa kapuri-puring programang ito.
Noong Hulyo, nagkasundo ang PUPOU at Manila City Jail para mag-alok ng apat na bachelor’s programs sa PDLs ng libre.
Kinabibilangan ito ng Bachelor of Public Administration, BS Business Administration major in Marketing Management and in Human Resource Management at BS Entrepreneurship.| ulat ni Rey Ferrer