Umaabot na sa 23 ang ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Ferdie, Gener at Helen.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, siyam dito ay mula sa MIMAROPA, tig-apat sa Region 6, BARMM at Region 9 at dalawa mula sa Region 7.
Nakapagtala rin ng 13 sugatan at 15 na nawawala.
Samantala, nasa halos 300,000 pamilya o mahigit isang milyong indibidwal ang apektadong ng sama ng panahon mula sa 1,441 na barangay sa 13 rehiyon sa bansa.
Sa nasabing bilang mahigit 69,000 katao ang nananatili sa 634 na evacuation center habang lagpas sa 61,000 indibidwal ang mas piniling makitira sa kani-kanilang mga kamag-anak o manatili sa kanilang mga tahanan.
Sa ngayon, nasa mahigit P17 milyon na tulong na ng pamahalaan ang naipamahagi sa mga apektadong indibidwal. | ulat ni Leo Sarne