Dinefer ng plenaryo ng Kamara ang budget deliberation ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagkakahalaga ng P27.1 billion.
Sa budget interpellation ni Philreca Party-list Representative Presley De Jesus, sinabi nito na hindi siya satisfied sa mga naging kasagutan sa tanong ng minorya sa tungkulin at proyekto ng DENR.
Kabilang sa nais maipaliwanag ni De Jesus ang Memorandum of Understanding (MOU) ng DENR at Prime-Led Wawa JVco Inc. para sa reforestation ng 1,800 hectare sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape.
Sagot ni Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez, budget sponsor ng DENR, wala pang nagagawa umano ang DENR sa MOU with Prime.
Nadismaya din si De Jesus, na hindi pa naibabalik ng DENR sa Bureau of Treasury ang hindi nagamit na confidential fund na P15 million para sa taong 2023 at 2024. | ulat ni Melany Valdoz Reyes