Ipo Dam, nagpapakawala ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat at bagyong Enteng.

Sa ngayon ay .7 meters ang bukas na gate ng Ipo Dam.

Sa datos naman ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 8am ay umabot sa 100.59 ang water level sa Ipo Dam na malapit na sa spilling level nito na nasa 101 meters.

Samantala, nadagdagan naman ng higit isang metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam na nasa 189.17 meters mula sa 187.70 meters kahapon.

Bukod rito, tumaas din ang lebel ng tubig sa La Mesa, Binga, San Roque, Pantabangan, pati ang Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us