Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga emergency relief supplies mula sa Estados Unidos na naglalayong palakasin ang kahandaan ng Pilipinas sa mga paparating na sakuna.
Personal na iniabot ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carslon kay Teodoro ang mga naturang tulong katuwang ang United States Agency for International Development (USAID) sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Kabilang sa mga tulong na tinanggap ni Teodoro kasama si Office of Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, ay emergency shelter-grade tarpaulins; shelter repair gaya ng lagari, pala, tali, martilyo, at pako.
Gayundin ang mga gamit sa pagluluto gaya ng kawali, kaldero, mangkok, plato, kutsara, tinidor, sandok, at iba pa na sapat para sa 10,000 indibidwal.
Nabatid na isa ang Fort Magsaysay sa mga tinukoy na lugar sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.
Mula 2010, aabot na sa mahigit ₱19 bilyon o katumbas ng ($344 milyon) ang naibigay na tulong ng Amerika sa Pilipinas para sa disaster relief at recovery aid. | ulat ni Jaymark Dagala