Muli na namang tumama ang isang may kalakasang lindol sa bahagi ng Jomalig, Quezon ngayong umaga.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), naganap ang pagyanig bandang 7:55 ng umaga, higit 30 minuto ang nakalipas mula nang una itong tamaan ng Magnitude 5.6 na lindol.
Tectonic pa rin ang origin nito at may lalim na siyam na kilometro sa lupa.
Walang inaasahang pinsala at aftershocks ang PHIVOLCS kasunod ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa