ace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang “KaPEACEtahan sa Maynila” exhibit sa Trinoma Activity Center sa Lungsod Quezon simula ngayong araw hanggang Huwebes.
Ang exhibit, ay bahagi ng serye ng aktibidad sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng National Peace Consciousness Month.
Pormal na bubuksan ang aktibidad sa pamamagitan ng palatuntunan ngayong 1:30 ng hapon na pangungunahan ni OPAPRU Senior Undersecretary Isidro L. Purisima, bilang kinatawan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr.
Itatampok sa aktibidad ang mahalagang papel ng mga “peace champion” sa pagbabagong naganap sa mga komunidad na dating apektado ng armadong pakikibak tungo sa kapayapaan at kaunlaran.
Bukas ang aktibidad sa publiko na maaring bumisita sa iba’t ibang “booth” kung saan makikita ang samut-saring lokal na produkto mula sa mga komunidad na suportado ng OPAPRU. | ulat ni Leo Sarne