Pinaiigting na ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang para matugunan ang kakulangan ng postharvest facilities sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ang hamon sa postharvest facilities ang isa sa nakikita nitong dahilan kung bakit bumababa ang farmgate price ng palay.
Sa panig ng DA, tuloy-tuloy na aniya ang ginagawa nitong procurement ng postharvest projects.
Katunayan, buwan-buwan aniya nagpapasinaya ang gobyerno ng mga bagong rice processing system para matulungan ang mga magsasaka.
Bukod dito, tiniyak din ng kalihim na patuloy na bumibili ang National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka sa presyong hanggang ₱23 para sa fresh at wet palay. | ulat ni Merry Ann Bastasa