Nananatiling mabuti at malinis ang kalidad ng hangin sa Quezon City mula kahapon hanggang ngayong araw.
Batay ito sa latest Air Quality Index (AQI) na inilabas ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department (QC-CCESD) ngayong hapon.
Ang Air Quality Index ay ginagamit upang malaman ang kalidad ng hangin at mga paalala upang maiwasan ang masamang epekto na dulot nito sa kalusugan ng tao.
Samantala, pinayuhan din ang publiko na may health concerns tulad ng hirap sa paghinga, hika at iba pa na makipag-ugnayan lang sa Quezon City Health Department. | ulat ni Rey Ferrer