Kaisa ng mga Pilipino si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-obserba ng Maritime and Archipelagic Awareness Month.
Sabi ng Pangulo, maswerte ang Pilipinas sa malawak na maritime at archipelagic resources nito na magagamit ng mga Pilipino.
“As stewards of this incredible gift, it is incumbent upon us to preserve and develop these resources to their fullest potential.” —Pangulong Marcos.
Dapat aniyang pataasin pa ang kamalayan ng publiko sa mga usaping mayroong kinalaman sa maritime at archipelagic resources ng bansa, upang sama – samang ma-protektahan ng mga Pilipino ang interes at likas na yaman ng Pilipinas mula sa iba’t ibang banta.
“As this important occasion also coincides with the observance of Fish Conservation Week, International Coastal Clean-up Day, and National Maritime Day, I encourage everyone, especially our youth to support and to join the countrywide coastal clean-up and conservation activities.” —Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, hinihikayat ng pangulo ang publiko, lalo na ang mga kabataan, na sumuporta at makibahagi sa mga coastal clean-up at conservation activities sa bansa.
“Everything starts from each of us and with all of us working together, we will soon harvest the fruits of our hardwork and realize a sustainable and greener future for everyone to enjoy.” —Pangulong Marcos.
Ang Maritime and Archipelagic Awareness Month ay ipinagdiriwang sa Pilipinas tuwing buwan ng Setyembre, sa bisa ng Proclamation no. 316, na ibinaba noong 2017, upang i-angat ang awareness at appreciation ng mga Pilipino sa maritime at archipelagic nature ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan