Kamara, iginagalang ang paghahain ng petisyon ng kampo ni dating Sec. Roque sa SC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginagalang ni Quad Committee Chair Dan Fernandez ang hakbang ng anak ni dating Sec. Harry Roque na maghain sa Korte Suprema ng Petition for Temporary Protection Order at Writ of Certiorari and Prohibition, kasunod ng pagkaka-contempt sa kaniyang ama.

Matatandaan na pina-contempt ng Quad Comm si Roque, dahil sa hindi pagsusumite ng mga hinihinging dokumento na may kaugnayan sa imbestigasyon sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Pag giit ng anak ni Roque na si Bianca Roque, ang petisyon ay dahil sa pag abuso umano ng komite sa kapangyarihan at otoridad nito.

Pero paalala ni Fernandez, si Roque mismo ang nagboluntaryo na isumite ang mga dokumento gaya ng SALN at income tax return kaya rin ito ipina-subpoena ng komite.

Giit pa ni Fernandez, mas mahalaga na maisumite ni Roque ang naturang mga dokumento kaysa sa kaniyang presensya sa Quad Comm.

Kinikilala din naman aniya nila ang due process at karapatan laban sa self-incrimination gayunman sa mga pagdinig ay sumusumpa rin aniya ang mga resource person na magsabi ng totoo.

Kaya umaasa pa rin siya na maisumite ni Roque ang naturang mga dokumento. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us