Hinihintay pa rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP).
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ngayon ang huling araw para sa kanilang plenary session upang talakayin ang 2025 national budget.
“Sa ngayon po we are on our last day for plenary sessions at saka inaabangan natin ang OVP. Sa ngayon ata hindi pa yata siya sumipot pero ichecheck up ko pag balik ko sa Kongreso. Dapat andun ako ngayon pero andito tayo. Pero hinihintay tayo natin yung representatives o si VP mismo.” -HS Romualdez.
Umaasa pa rin aniya sila na dadalo ang bise presidente.
“We’d like to very much see the Vice President but she has elected to absent herself and she has sent us letters explaining why. But of course, we would most appreciate her presence.” -HS Romualdez.
Ayon sa house speaker, sakaliman na hindi pa rin dumating si VP Sara, pagu-usapan nila ito sa Kamara, bilang iisang boses, saka sila maglalabas ng resolusyon. | ulat ni Racquel Bayan