Kamara, pinahintulutan na makasama ni dating PCSO General Manager Royina Garma ang kaniyang anak sa detention center

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang nasa detention center na rin ng Kamara ang anak ni dating PCSO General Manager Royina Garma.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, pinagbigyan ng komite na makasama ni Garma ang kaniyang anak na mayroon special needs.

Pinahintulutan din aniya ito na makagamit ng cellphone at internet dahil nago-online schooling ang kaniyang anak.

“Oo napagbigyan yun. Kasi nag-aaral…we allowed her to stay…Pinapayagan namin yung cellphone dun sa inside the (detention center). They can still communicate with their frinds, lawyers. Kasi alam mo naman yan, hindi naman yan detention because of criminal activity., but contempt, kasi nga ayaw magsabi ng totoo di ba.” ani Velasco

Matatandaan na ipina-contempt ng House Quad Committee si Garma sa pagtanggi na sumagot ng makatotohanan sa mga tanong ng mga mambabatas.

Dahil dito, ipinag-utos na siya ay madetine sa Kamara.

Sinubukang iapela ni Garma ang desisyon ng komite, dahil sa kailangan aniya niyang makasama ang kaniyang anak na may mental health issue.

Mismong si Quad Comm co-chair Dan Fernandez naman ang nagsabi, na para mapawi ang pangamba ni Garma ay hayaan na makasama niya ang kaniyang anak sa detention center. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us