Sinuyod kamakailan lamang ng mga tauhan ng Butuan City Health Department (CHD) ang bawat purok at nagbahay-bahay kasama ang mga Barangay Health Worker (BHW) para sa awareness ng prebensyon ng sakit na dengue.
Pinangunahan ng Libertad Health District Zone ang information campaign sa pamamagitan ng pamimigay ng leaflets tungkol sa dengue at kung paano ito maiiwasan. Bukod dito nagsagawa rin ng anti-dengue clean-up drive, Oplan Taub, fogging at namahagi rin ng ITC o Insecticide-treated Curtains sa ilang paaralan.
Puspusan ang naging hakbang kontra dengue matapos matalo ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Caraga Region.
Umabot sa bilang na 1,086 ang kaso ng Dengue sa Butuan batay mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, mataas kung ikukumpara noong nakaraang taon ng kaparehong period na noon ay nasa 391 lamang.
Batay sa ulat ng CHD, tatlo na ang kumpirmadong namatay sa sakit na dengue, at may pinakamataas na kaso ang Brgy. Libertad.
Nanawagan ang CHD sa publiko na sundin ang 5S strategy tulad ng Search and destroy. Hanapin at sirain ang pinangingitlogan ng lamok, panatilihing malinis ang kapaligiran, proteksyonan ang sarili kontra kagat ng lamok, at magpakonsulta kung may nararamdamang sintomas. | ulat ni May Diez | RP1 Butuan