Kapatid ng dating Presidential Economic Adviser na si Michael Yang, arestado sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nakalusot sa pinagsanib na pwersa ng fugitive search unit (FSU) ng Bureau of Immigration, Intelligence Division (ID), at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang nakakatandang kapatid ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang na si Yang Jianxin.

Ayon sa Immigration, naaresto si Yang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, matapos dumating mula Cagayan de Oro sakay ng Cebu Pacific.

Si Yang na kilala din sa alias na Antonio Lim, ay nahaharap sa deportation case dahil sa “undesirability at misrepresentation,” matapos ang sinasabing pagpapanggap nito bilang Pilipino at pamemeke ng impormasyon tungkol sa Securities and Exchange Commission (SEC) Certification.

Agad namang nailipat ang kustodiya ni Yang sa PAOCC na siyang magsasagawa ng imbestigasyon sa mga reklamong natanggap nito.

Nilinaw naman ni BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado na sa oras na mapatunayang guilty si Yang ay mahaharap ito sa deportation at blacklisting. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us