Kapatid ni dating Mayor Alice Guo na si Wesley Guo, handang sumuko ayon kay Atty. Stephen David

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang kapatid ni dating Mayor Alice Guo na si Wesley Guo, na sumuko sa mga otoridad.

Ito ang ibinahagi ng abogado nina Alice at Shiela Guo na si Atty. Stephen David.

Matatandaang kabilang si Wesley sa mga pinaghahanap ng mga ototridad at mayroon rin itong kinakaharap na warrant of arrest mula sa Senado, at sa huling impormasyon ng mga otoridad ay nasa Hong Kong si Wesley.

Bago ang pagdinig sa Senado, ibinahagi ni David na nakausap niya kagabi si Wesley at ipinahayag nito ang kagustuhan na sumuko na sa local authorities ng Pilipinas.

Gayunpaman, sinabi ni David na hindi niya alam kung nasaan si Wesley ngayon.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang abugado sa mga otoridad para sa inaasahang pagsuko ni Wesley, pero hindi muna idinetalye ng abogado ang prosesong ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us