Karagdagang generator sets, natanggap ng Philippine Red Cross para sa mga humanitarian operation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ang Philippine Red Cross (PRC) ng karagdagang mga kagamitan na magagamit para sa mga humanitarian operation nito.

Nasa 70 units ng 6.5KVa Honda generator sets mula sa Honda Philippines Inc. (HPI) ang natanggap ng PRC, ngayong araw.

Ang mga generator set na ito ay inaasahang magpapalakas sa kakayahan ng PRC na tumugon sa mga emergency at kalamidad.

Isinagawa ang turnover ceremony sa PRC Logistics and Multipurpose Center sa Mandaluyong City, na dinaluhan ng mga opisyal ng PRC at HPI.

Ang donasyon ay bahagi ng kanilang Honda ❤️ You campaign, na layong ibalik sa komunidad ang mga biyayang natatanggap sa pamamagitan ng pagpapabuti sa kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.

Matatandaang nagbigay na rin ang naturang motorcycle manufacturing company ng tulong pinansyal at mga motorsiklo sa PRC sa mga nakalipas na mga taon. | ulat ni Diane Lear

Photo: PRC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us