Karapatan at kapakanan ng mga OFW, tiniyak ng pamahalaan makaraang alisin na ng Kuwait ang deployment ban dito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na paiigtingin pa nila ang pagbibigay proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait.

Ito’y makaraang magpatuloy na muli ang pagpapadala ng mga Pilipino sa naturang bansa makaraang alisin na ng pamahalaan ng Kuwait ang deployment ban sa mga ito.

Sa katunayan ayon sa DMW, nasa 35 OFWs patungong Kuwait ang kanilang binigyan ng pre-departure briefings upang bantayan ang kanilang sitwasyon doon.

Pinaalalahanan din sila ng kanilang mga karapatan at pananagutan bago sila magtungo sa kanilang foreign employer.

Noong isang linggo, 11 na ang tumulak patungong Kuwait habang nakatakda namang umalis ang nasa 24 na iba pa ngayong linggong ito.

Ang pag-alis ng deployment ban ay bunga ng sinelyuhang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na nagpapatatag pa sa pagtataguyod ng karapatan ng mga OFW.

Gayundin ang pagpapatupad ng whitelisting sa mga recruitment agency na sumusunod sa mga reglamento at batas ng Kuwait. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us