Pumalo na sa labing isa (11) katao ang namatay sa sakit na Dengue sa Quezon City.
Batay sa pinakahuling ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, anim sa kabuuang bilang ng namatay ay mula sa District 2.
Partikular sa Barangay Batasan Hills, Commonwealth,
Holy Spirit, Payatas A at Payatas B.
Mula Enero hanggang Setyembre 21 ngayong taon, umabot na sa 3,658 ang kaso ng Dengue sa lungsod at pinakamarami ay naitala ay sa District 2 na abot sa 960.
Samantala, tumaas din ang bilang ng kaso ng leptospirosis na abot na sa 471.
May 39 na indibidwal ang iniulat na namatay sa sakit.| ulat ni Rey Ferrer