Kinokonsidera ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na isang national security concern ang kaso ni dating mayor Alice Guo.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Atty. Rowena Acudili ng NICA na dahil nahaharap sa iba’t ibang kaso si Guo, kabilang ang mga criminal charges, kasong may kaugnayan sa mga iligal na aktibidad at kasama pa ang kwestyon sa kanyang Filipino citizenship, itinuturing na ito ngayon ng NICA bilang national security concern.
Inamin ni Acudili na noong August 18 lang din nalaman ng NICA ang impormasyon na nakalabas na ng Pilipinas si dating mayor Alice,
Pero noong mga panahon na iyon ay hindi pa beripikado ang impormasyon.
Noong August 19, nang mag-priviliege speech si Senadora Risa Hontiveros tungkol sa paglabas ng bansa ni Guo, saka lang na-corroborate ng NICA ang unverified information. | ulat ni Nimfa Asuncion